Thursday, January 21, 2016

Pag-file sa aplikasyon ng Mayor’s Permit hiniling na pahabain

Posted January 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PermitPanahon na naman ng renewal ng mga business permit para sa taong 2016.

Dahil dito nagkaroon ng request ang Municipal Mayor ng Malay para sa urgent passage ng resolusyon na nagsasabing e-extend ang period para sa pag-file ng aplikasyon ng Mayor’s Permit na mula Enero 20, 2016 hanggang February 20, 2016.

Ito ay nakapaloob sa Incoming and Referral ng Order of Business sa isinagawang SB Session ng Malay nitong araw ng Martes.

Nabatid na madami ngayon ang nag-proproseso ng kanilang permit kung saan inaasahang hindi agad ito matatapos sa itinakdang petsa ng LGU Malay.

Samantala, ang resolusyon ito ay ini-refer naman ng Konseho sa Committee on Laws para sa masusing pag-aaral at nakatakdang pag-usapan sa susunod na Session ng Malay.

No comments:

Post a Comment