Thursday, January 21, 2016

Maintenance ng isang Spa sugatan matapos barilin; suspek nakatakas

Posted January 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for shooting incidentSugat sa kaliwang paa ang tinamo ng isang Maintenance ng Spa matapos itong barilin ng walang dahilan sa Sitio Cabanbanan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay kagabi.

Sa imbestigasyon ng Boracay PNP, nakaupo umano ang biktimang si Temothy Dela Cruz 18-anyos at ang kapatid nito sa isang tindahan sa nasabing lugar ng biglang lumapit ang suspek na si Jojie Hernandez 18- anyos na may dalang improvised shotgun (Sumpak) at doon ay binaril nito ang biktima sa kaliwang paa.

Agad namang nakalayo ang biktima patungo sa kanilang bahay habang ang suspek ay nagsisigaw kung saan sinabi umano nito na babayaran niya ang halaga ng kanilang buhay.

Dahil naman sa matinding pinsala na tinamo ng biktima ay isinugod naman ito sa isang klinika sa isla pero mas minabuti namang ilipat sa malaking pagamutan para mabigyan ng agarang medikasyon ang kanyang tinamong sugat.

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng mga pulis para sa ikadarakip ng suspek na tumakas matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment