Friday, January 15, 2016

Sinagpa beach planong gamitin bilang docking area ng dalawang cruise ship ngayong Enero

Posted January 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for MS MillenniumPlano ngayon ng Jetty Port Administration na ilipat ang docking area ng dalawang cruise ship na dadaong sa isla ng Boracay ngayong Enero.

Ito ang sinabi ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang sa pagdalo nito sa SB Session ng Malay nitong Martes.

Ayon kay Maquirang, ang desisyong ito ay nagmula umano sa Government Officials ng Aklan para maibsan ang problema sa Cagban Port.

Sinabi ni Maquirang na maglalagay nalang umano sila ng pontoon sa may Sinagpa area kung saan puweding dumaong ang dalawang barko na darating sa Enero 26 at 28, 2016.

Nabatid na ang mga barkong MS Millennium at MS Nautica ay magdadala ng mahigit sa tig dalawang libong pasahero kung saan karamihan umano sa mga ito ay mga European tourist.

Magugunitang ang Cagban Port ang siyang ginagamit sa tuwing may dumadating na cruise ship sa Boracay ngunit dahil sa problema sa sistema ngayon ng nasabing pantalan dala ng kakulangan ng docking area ay pinaplanong ilipat na ito ngayon.

No comments:

Post a Comment