Tuesday, August 09, 2016

Panindang balut ninakaw sa isang bar sa Boracay

Posted August 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for balut vendorUmuwing walang kinita ang isang balut vendor sa Boracay matapos na tangayin ang kanyang ibinibintang balut sa Sitio Tulubhan Brgy. Manoc-manoc kaninang madaling.

Sumbong ng biktima na si Josefino Luces, 52-anyos sa Boracay PNP, iniwan niya umano saglit ang isang box ng kanyang paninda na naglalaman ng 80 balut sa labas ng isang bar sa lugar.

Nguni’t ng makalabas ito ilang minuto mula sa loob ng bar ay hindi na niya nakita ang kanyang paninda na pinaniniwalaan kinuha ng hindi nakilalang magnanakaw.

Samantala, patuloy namang ini-imbestigahan ng Boracay PNP ang pinang-yarihan ng insidente.

No comments:

Post a Comment