Monday, August 08, 2016

Korean National sa Boracay, nabiktima umano ng robbery; mahigit 100k natangay

Posted August 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for robberyNanlumo ang turistang Korean national ng mawala ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P110, 000, 2 US dollar at O.R ng motorsiklo ng tangayin ng mga magnanakaw kaninang madaling araw.

Sumbong ng biktima na si Ma Dohyun, 38-anyos sa Boracay PNP, sakay umano siya ng kanyang motorsiklo papuntang Bolabog ng parahan ito ng dalawang lalaki sa madilim na bahagi ng lugar sabay tutok ng baril at pinag-sabihan na ibigay sa kanila ang kanyang dalang bag. 

Dahil dito ay mabilis namang sinunud ng biktima ang utos ng mga hindi nakilalang suspek dahil umano sa takot na mapatay na agad ring tumakas sakay din ng kanilang dalang motorsiklo.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nangyaring pananambang sa biktima.

No comments:

Post a Comment