Thursday, August 11, 2016

Negosyanteng koryano sa Boracay tinangkang saksakin ang kustumer

Posted August 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tinangkang saksakinAgad na inireklamo ng isang lalaki ang isang negosyanteng koryano sa mga pulis ng Boracay PNP matapos umano siyang pagtangkaang saksakin nito sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc.

Base sa nagrereklamong si Hadde Salih-Hadji, 25-anyos papauwi na umano siya ng kanilang bahay ng tambangan ng sinasabing suspek na si Dong Kim at tinangkang saksakin ngunit agad naman niya itong naiwasan.

Kaugnay nito ay nagreklamo rin sa mga pulis ang live-in partner ni Kim at itinanggi ang akusasyon ni Hadji kung saan ito pa nga umano ang nanuntok sa kanyang nobyo ng tatlong beses at kumuha pa ng kutsilyo ngunit naawat naman sila ng mga tao sa lugar.

Nabatid ang itinuturong dahilan ni Hadji sa hindi nila pagkakaunawaan ng koryano ay dahil sa binili nitong sigarilyo sa tindahan ni Kim.

Ang naturang insidente ay ini-refer ng Boracay PNP sa Brgy Justice System ng Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment