YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 12, 2016

Illegal Commissioner sa Boracay huhulihin at pagmumultahin

Posted August 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for Lokal na Pamahalaan ng MalayTila gagamitan na ngayon ng kamay na bakal ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang mga illegal commissioner sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos silang isama sa isasagawang clearing operation o “Oplan Hawan” na magsisimula sa susunod na linggo.

Ayon kay Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor ang sino mag illegal commissioner ang makikitang mag-aalok ng kanilang negosyo sa beach area o sa buong isla ay ipapahuli sa mga pulis at ire-rekord ang mga pangalan saka bibigyan ng penalidad na P2, 500.

Samantala,  lilimitahan din sa bawat sea sport shop ang kanilang mga taga-alok ng island activities na bibigyan ng pareho-parehong uniforme at I.D upang maiwasan ang pagkalat ng mga commissioner.

Nabatid na ang mga commissioner ang isa sa mga problema sa isla ng Boracay dahil sa panloloko ng mga ito sa mga turista sa pamamagitan ng pagtakbo sa ibinayad sa kanilang pera ng mga turista para sa island activities.

No comments:

Post a Comment