Friday, August 12, 2016

Night market pinaplano para sa mga Ambulant vendor sa Boracay

Posted August 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ambulant vendor sa boracaySa kabila ng pagtanggal sa mga ambulant vendor sa vegetation area tuwing day-time pinaplano naman ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang night market para sa kanila.

Ito ang sinabi ni Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor sa nakaraang meeting para sa gagawing clearing operation sa susunod na linggo.

Ayon pa kay Aguirre ilalagay na sa isang area ang mga ambulant vendor kung saan bibigyan naman ng penalidad ang mga susuway nito.

Napag-alaman na kahit ang vendor na may permit ay huhulihin ng mga pulis kung wala ang mga ito sa tamang puwesto.

Nabatid na kasama ang mga ambulant vendor sa gagawing clearing operation ng LGU kung saan kinakailangang malinis ang lahat ng area ng vegetation at walang makikitang mga upuan, lamesa at mga nagbibinta maliban sa mga masahista 

No comments:

Post a Comment