Tuesday, August 09, 2016

Boarding house sa Boracay, nilooban ng magnanakaw

Posted August 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for magnanakawIsang ginang ang nagsumbong sa Boracay PNP matapos umanong looban ng magnanakaw ang kanilang boarding house na tinutuluyan sa Sitio Diniwid, Boracay.

Sa blotter report ng mga pulis, nakilala ang nag-rereklamo na si Leonor Gajisan, 38-anyos.

Base sa salaysay ng biktima sa mga pulis, sinabihan umano siya ng kanyang anak na pinasok umano ng magnanakaw ang kanilang boarding house.

Agad naman itong umuwi at ng masuri ang loob ng kwarto ay dito niya nadiskobre na nawawala na ang kanilang gamit na kinabibilangan ng isang relo, pocket wifi at perang nagkakahalaga ng P5,000.

Patuloy naman ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nangyaring nakawan.

No comments:

Post a Comment