Thursday, August 11, 2016

Embalsamador, sinaksak ng kainuman

Posted August 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for stabbing incidentDuguan ang isang Embalsamador matapos itong masaksak sa Brgy. Poblacion, Nabas, Aklan kaninang madaling araw.

Sa report ng Nabas Police Station, nakilala ang biktima na si Allan Villanueva y Eguib, 55-anyos habang ang suspek ay nakilala kay Nuevo Sales y Colombres 56-anyos residente ng Buenasuerte ng nasabi ring bayan.

Nabatid na nag-iinuman ang dalawa ng magkaroon ng mainitang diskusyon sa pagitan ng mga ito dahilan para masaksak ng suspek ang biktima sa kanyang kaliwang dibdib.

Dahil dito, ay agad na dinala ang biktima sa Aklan Provincial Hospital sa bayan ng Kalibo habang ang suspek naman ay boluntaryong sumuko sa mga pulis na nagresponde.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng insedente.

No comments:

Post a Comment