Wednesday, August 10, 2016

Habagat sa Boracay lalong lumakas publiko pinag-iingat

Posted August 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for Habagat sa BoracayIlang araw na ang nararanasang malakas na alon at hangin sa isla ng Boracay dala ng Habagat dahil sa umiiral na sama ng panahon sa bansa.  

Dahil dito may panawagan ang Philippine Coastguard Caticlan sa publiko at sa mga pupunta sa isla ng Boracay na mag-doble ingat lalo na ang mga nagbabalak na maligo sa dagat. 
  
Sa panayam ng himpilang ito kay PCG PCO Adan Ayopela, ipinagbabawal umano nila ang paliligo sa beach front dahil masyadong malakas ang alon ngunit puwedi naman umanong maligo sa ibang area ng Boracay ngunit kailangan huwag paring lumayo mula sa dalampasigan.

Sa kabila nito nanatili parin umanong naka-antabay ang kanilang grupo para e-monitor ang kaligtasan ng mga tao at mga sasakyang pandagat sa Boracay.

Samantala, sinabi din nito na wala namang silang mga naitalang maritime incidents o mga nalunod sa isla nitong mga nakaraang araw dala ng pinalakas na Habagat.

Sa ngayon nanatili namang sa Tabon-Tambisaan ang biyahe ng mga bangka sa isla dahil sa napakalas na Habagat Season.

No comments:

Post a Comment