Posted August 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi nagpaawat ang mga turistang Chinese national na
magbakasyon sa tanyag na isla sa buong mundo ng Boracay nitong nakaraang buwan
ng Hulyo.
Ito’y matapos sila ang nanguna sa top 10 foreign tourist
arrival na nagbakasyon sa isla ng Boracay ng nasabing buwan kung saan
nakapagtala ito ng 33, 753 base sa rekord ng Municipal Tourism Office ng Malay.
Pumapangalawa naman rito ang Korean national na palagi
ring nasa top tourist arrival na may bilang namang 31, 981 na sinundan din ng
Taiwan na may 5, 278; Saudi Arabia 2, 629 at Malaysia 1,666.
Pasok din sa pang-anim na puwesto ang USA na may bilang na
1, 508; Australia 901; Singapore 824; Hongkong 742; at Japan na 493.
Samantala, naitala naman ang bilang na 558, 014 na
kabuuang foreign tourist arrival na nagbakasyon sa Boracay simula noong Enero
hanggang nitong Hulyo o 1st quarter ng taong 2016.
Nabatid na umabot na sa mahigit isang milyon ang
naitalang tourist arrival sa Boracay sa kalahati ng taong 2016.
No comments:
Post a Comment