Thursday, August 11, 2016

Aircon Technician, huli sa buy-bust operation sa Malay

Posted August 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong sa drugsBagsak sa kulungan ang isang Aircon Technician matapos itong mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Canyugan, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan kahapon.

Sa pangunguna ng Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng Malay PNP kasama ang Aklan Public Safety Company (APSC) , Malinao PNP, Public Intelligent Branch, PAIDSOGT at PDEA ay na-aresto ang suspek na si Nilo Labasog y Zapico, 30-anyos isang  Aircon Technician at residente ng Brgy. Manhanip, Malinao, Aklan.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng sinasabing suspected shabu na may kapalit na P1,000 mula sa isang poseur buyer kasama ang isang foil ng sigarilyo, motorsiklo at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Samantala, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment