Posted August 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang pangalan lamang ang natawag ni President Rodrigo
Duterte na involve sa illegal drugs sa probinsya ng Aklan sa katauhan ni Judge
Domingo Casiple Jr. ng Aklan Regional Trial Court branch 7.
Si Casiple ay na-appoint ni dating Pangulong Noynoy
Aquino noong 2012 bilang Judge matapos din itong magsilibing Assistant
Provincial Prosecutor ng Iloilo.
Siya rin ay naging huwis sa Regional Trial Court branch
21 sa Mambusao, Capiz at tubong Lambunao, Iloilo at nag-aral sa Lambunao
Institute of Science and Technology kung saan nagtapos naman ng Law sa
University of San Agustin taong 1990.
Si Casiple ay kilala sa paghawak ng mga kasong murder at
mga malalaking krimen sa RTC Kalibo at RTC Mambusao, Capiz.
Samantala, wala namang mga politiko sa probinsya ng Aklan
ang napabilang na sangkot sa illegal na druga base sa inilabas na listahan ng
Pangulo nitong Linggo.
No comments:
Post a Comment