Posted August 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni
Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay,
para ihanda ang mga miyembro ng 4P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program ng
Malay sa maaring kalamidad na mangyari sa ating bansa.
Kasama nila sa
kanilang operasyon ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO),
Malay Police Station at Bureau of Fire Protection Unit (BFP) upang magbigay ng
kaalaman ang mga ito tungkol sa disaster preparedness.
Nabatid na
mahigit 838 na indibidwal ang sasailalim sa naturang programa na miyembro ng
4P’s kung saan ang mga ito ay pupuntahan sa kanilang mga Barangay at doon sasanayin.
Ang programang
ito ay sampung araw nilang gagawin na nag-simula nitong araw ng lunes Agosto 8 at
magtatapos naman sa Agosto 22 taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment