Posted August 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by Aklan Forum |
Nasa 25 inmates mula sa Bureau of Jail Management and
Penology ang nabigyan ng rekognasyon sa graduation ceremony sa Nalook, Kalibo,
Aklan nitong nakaraang linggo.
Ito’y matapos silang makapasa sa Department of
Education’s Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Test.
Sa press release mula sa BJMP-Aklan ang ginawang programa
ay pinagsamang graduation rites para sa mga preso na nakakumpleto ng ALS
elementary o secondary education para sa taong 2016, 2015, 2013 at naipasa ang A & E
Test.
Ang ALS A & E Program, ay alinsunod sa Republic Act
of 9155, kung saan ito ay module-based non-formal education na layun na
mabigyan ng alternatibong paraan ng pagtuturo ang out-of-school youth at adult
inmates na literate at hindi nakumpleto ang basic education.
Nabatid na sa 25 graduates, 16 ang graduates ng 2016,
kung saan apat ang nakapasa sa four elementary
A & E Test habang 12 para sa secondary test.
No comments:
Post a Comment