Monday, August 08, 2016

2nd tranche ng financial assistance para sa mga guro na biktima ng Yolanda inaasahang made-delay

Posted August 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for financial assistance
Inaasahang made-delay ang muling pag-release ng 2nd tranche ng financial assistance para sa mga guro na biktima ng bagyong Yolanda.

Sa panayam kay Dr. Ernesto Servillon Jr. – Asst. Schools Division Superintendent – Deped Aklan, nagbaba umano ng panibagong requirements ang Office of the President na kailangan ang on site validation sa mga recipient ng financial assistance.

Pagkatapos ng liquidation na noong una ay isa sa naging dahilan ng pagka-delay ng pag-release ng pondo, ngayon ay may panibago ulit na requirements sa DepEd.

Dahil dito humingi naman ng paumanhin si Dr. Servillon dahil sa matagal-tagal na naman umanong pag-aantay dahil hanggang sa ngayon ay wala pang ibinibigay na petsa ang Office of the President kung kaylan isasagawa ang on site validation sa Aklan.

Ngunit nangako naman ito na kukulitin umano nila ang mga kinauukulang tanggapan na ipaaga ang pagbisita sa Aklan para sa validation dahil handa na ang mga recipient sa pagtanggap sa kanila.

No comments:

Post a Comment