Posted August 9, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Borcay
Nagbigay ngayon ng komento ang isang malaking
Stakeholders Group sa Boracay hinggil sa palagiang brownout na nararanasan ng
mga residente sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng himpilang ito kay Boracay Foundation
Incorporated (BFI) President Dionisio “Jony” Salme, sinabi nito na importante
ang ilaw sa Boracay lalong lalo na sa mga negosyante ng resort. Itoy dahil
nagseserbisyo sila sa mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay.
Dagdag pa nito na mabuti nalang kung may mga generator na
gagamitin ang ibang mga negosyante sa oras na mag-brownout subalit abala din
ito dahil sa paandarin pa ito.
Dahil dito, ay kinausap ni Salme si Engr. Joel Martinez,
assistant General Manager ng AKELCO, kung saan iimbitahan niya ito sa Kapihan
sa Boracay na mging guest para tanungin ang tungkol sa nangyaring patay-sinding
kuryente sa Boracay.
Nabatid na umani ng negatibong reaksyon mula sa social
media ang mga nangyayaring power interruption sa isla nitong nakalipas na araw
dahil sa makailang beses na patay-sindi na naging sanhi ng pagkasira ng mga
appliances ng mga kunsumidor.
No comments:
Post a Comment