Tuesday, August 09, 2016

Operasyon ng Tambisaan Port sumailalim sa Committee hearing ng SB Malay

Posted August 9, 2016
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Tambisaan portItinakda kahapon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Committee Hearing para sa operasyon ng Tambisaan Port tuwing Habagat Season.

Ito’y pinangunahan mismo ni Vice Mayor Abram Sualog kasama ang ilang SB Officials na sina Nenette Graf, Loyd Maming at Dante Pagsuiguron na dinaluhan naman ng Manoc-manoc Brgy. Officials at CBTMPC.

Kasama rin sa dumalo si Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon at ang Engineering Office ng Malay at Tourism.

Ayon kay Oczon, napag-kasunduan umano sa nasabing hearing na hihingi sila ng tulong sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa pagsasaayos ng ilang pangangailangan sa nasabing pantalan.

Maliban dito, napag-usapan din nila ang ilang mga problema sa Tambisaan kagaya na lamang nang masikip na daungan ng mga bangka lalo na kung low tide.

Nabatid na kadalasang problema sa nasabing pantalan ay ang delay ng biyahe ng mga bangka dahil sa pahirapang makadaong at ang kakulangan ng pasilidad.

Samantala, ang mga ito ay inasahan umano nilang maaayos sa lalong medaling panahon lalo na ngayon at tuloy-tuloy na ang nararanasang Habagat sa isla.

No comments:

Post a Comment