Posted August 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito nalang ang inaantay para puwede ng magbayad ng bill
ng kuryente sa isang malaking Pawnshop chain sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay Rence Oczon ng Aklan Electric Cooperative
(Akelco) aprobado na umano ng kanilang board ang pakikipag-tulungan ng ka-partner
na pawnshop para sa pagbayad ng bill.
Ito umano ay tinatawag na bayad center kung saan hindi na
mahihirapan ang mga kunsumidor na pumunta sa mismong opisina ng Akelco o pumila
ng mahaba para lamang makahabol sa due date.
Kaugnay nito may mga inaatay nalang umano silang
dokumento bago masimulan ang naturang implementasyon ng bayad center.
Samantala sinabi naman ni Yoko Mendoza PIO ng Akelco, na
maaaring ito na ang solusyon sa sinasabing kakulangan ng Ambulant tellering at
mahabang pila sa isla ng Boracay sa panahon ng pagbabayad ng bill.
Ang Palawang Pawnshop ang napili ng AKELCO bilang partner
sa Bayad Center.
No comments:
Post a Comment