Thursday, August 11, 2016

Hotline 911 at 8888 ng PANTELCO bukas na sa publiko

Posted August 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for TELEPHONEBinuksan na sa publiko ng PANTELCO ngayong buwan ng Agosto ang 911 emergency hotline at 8888 complain hotline ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PANTELCO Engineer Gabrielle Baylon, bagamat puwedi na itong gamitin ngunit meron pa umano itong NDD per minute charge plus P5.00 (VAT-in) bawat tawag base sa inimposed ng PLDT.

Nilinaw ni Baylon na ang naturang charges ay hindi mula sa PANTELCO at ito mismo ay galing sa National Telecommunication na PLDT.

Sa kabila nito binalaan naman ni Baylon ang publiko na huwag gawin ang prank call o practical joke dahil magreresulta parin ito ng charges sa kanilang bill.

Ang Hotline 911 at 8888 ay isang nationwide program ng Duterte Administration para mapabilis ang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa emergency at maisumbong ang mga gumagawa ng katiwalian.

No comments:

Post a Comment