Saturday, August 13, 2016

Dahil sa problema sa suplay ng kuryente sa Boracay SB Graf may naisip na paraan

Posted August 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for representanteAng pagtalaga ng isang representante mula sa bayan ng Malay ang isa sa mga naisip na paraan  ngayon ni SB member Nenette Aguirre-Graf tungkol sa problema sa kuryente.

Ayon kay Graf ito umano ang magiging taga-abot ng mga concerned sa Aklan Electric Cooperative (AKELCO) pagdating sa problema sa suplay ng kuryente sa nasabing bayan para sa mas mabilis na pag-aksyon.

Nabatid kasi na nitong mga huling araw ay tila napaaga ang pasko dahil sa patay sindi na ilaw na mistulang Christmas light dahilan para maghimutok sa galit ang mga taga Boracay dahil sa dinudulot nitong pagkasira ng kanilang mga appliances.

Samantala kung sakali naman umanong matuloy ito ay bubuo muna sila ng isang grupo para lamang sa suplay ng kuryente sa isla saka ang pagtalaga ng representante.

No comments:

Post a Comment