Saturday, August 13, 2016

APPO tinututukan ang mga mga wanted person sa probinsya

Posted August 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for wanted personNakatutok din ngayon ang atensyon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa mga wanted person sa probinsya.

Sa panayaman kay PINSP Angelito De Jose ng Trackers Team ng APPO isa umano sa mga layunin nila ngayon ay mahuli ang mga wanted o mga nagtatagong personalidad na may pananagutan sa batas.

Katunayan umano sunod sunod ang Kanilang mga nahuling wanted sa Aklan nitong mga nakaraang araw kung saan isa rito ang top 9 wanted person sa New Washington sa kasong pagnanakaw at ang isa naman ay sa bayan ng Numancia sa kasong serious physical injury.

Dahil dito nanawagan si De Jose sa mga wanted na akasudo na sumuko na para mapagaan ang kanilang mga kaso.

No comments:

Post a Comment