Thursday, August 11, 2016

Dating Lezo Mayor Fred Arcenio, guilty sa pag patay kay Bombo Boy Hinolan

Posted August 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for guiltyHinatulan ng korte na guilty beyond reasonable doubt si dating Lezo Mayor Alfredo "fred" Arcenio na pumatay sa dating station manager ng Bombo Radyo Kalibo na si Herson "boy" Hinolan.

Ito’y matapos katigan ng Cebu Regional Trial court ang kaso ng prosecution laban kay Arcenio na siya ang pumatay kay Hinolan noong Nobyembre 13, 2004.

Sa kabila nito ikinalungkot naman ng may bahay ni Hinolan ang naging desisyon ng korte sa pagbaba sa homicide sa halip na naunang isinampa na kasong murder laban kay Arcenio.

Si Boy Hinolan ay naging Anchorman ng Bombo Radyo Roxas bago naging station manager ng Bombo Kalibo.

Matatandaan siya ay binaril patay noong Nobyembre 13, 2004 sa bayan ng Kalibo habang boluntaryo namang sumuko si Arcenio noong March 2008 sa mga kapulisan matapos ang apat na taong pagtatago.

Si Arcenio na nakakulong ngayon sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center ay hinatulan ng korte ng walo hanggang sa 14 na taong pagkakabilanggo dahil sa nagawang krimen.

No comments:

Post a Comment