Posted August
10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang sa araw na ng Martes o Miyerkules sa susunod
na linggo nakatakdang ipatupad ang “Oplan Hawan” o clearing operation sa vegetation
area sa isla ng Boracay.
Ito ang inihayag ni Executive Assistant Rowen Aguirre ng
Office of the Mayor sa ipinatawag nitong meeting kaninang umaga para sa paghahanda
sa nabanggit na operasyon.
Ayon kay Aguirre kinakailangan wala ng kahit anong
imprastruka sa vegetation mula sunrise to sunset o daytime na makikita sa lugar
kagaya ng tent, lamesa at mga upuan maliban na lamang sa massage area na inilaan
ng LGU.
Maliban dito ipinagbabawal din ang mga ambulant vendor sa
beach area kahit na may permit ito kung wala sa tamang lugar lalo na ang mga
illegal commissioner na agad huhulihin sa sandaling makita itong nag-aalok ng
island activities sa vegetation.
Haharap naman sa ibat-ibang penalidad ang mga estabalisyemento
sa beach front na hindi susunod sa mga ordinansa ng LGU kung saan maaaring
kumpiskahin ang kanilang mga kagamitan sa oras na mahuli ang mga ito ng pulis
at ng lahat ng mga law enforcers sa isla ng Boracay.
Ang “Oplan Hawan” ay sagot din sa sumisikip na walk way
na pinuno ng mga vendors at mga imprastrakturang sumisira sa ganda ng white
sand area ng isla. Layunin din nito na masawata ang mga illegal commissioners
na bumibiktima sa mga foreign tourists at ibang bisita.
No comments:
Post a Comment