YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 09, 2016

Mga Colurom na motorsiklo sa Boracay, inumpisahan ng hulihin

Posted August 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for no permit
Inumpisahan nang hulihin ng Malay Transportation Office ang mga Colurom na motorsiklo na patuloy paring bumabyahe kahit walang lisensya at permit to transport sa Boracay.

Sa isinagawang  pagsusuri sa pangunguna ni Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor kasama ang MAP at Boracay PNP nahuli nila ang 28 motorsiklo kasama na ang isang tricycle na sinasabing walang franchise para bumiyahe dito sa isla ng Boracay.

Sa 28 motorsiklo, labim-pito dito ang itinawid sa Malay at papatawan ng penalidad dahil sa walang mai-presenta na mga dokumento katulad ng Permit to Transport habang ang labing-isa naman ay ikinustodiya sa Boracay dahil sa ibang paglabag.

Ayon kay MTO Officer Cesar Oczon, ang mga walang lisensya na mga motorsiklo at permit to transport ay papatawan ng penalidad na nagkakahalaga ng P2, 500.

Dagdag pa ni Oczon na pwede namang ibalik sa mga driver ang kanilang mga motorsiklo basta babayaran nila ang kanilang penalidad at sundin ang mga patakaran na nakapaloob sa ordinansa ng kanilang opisina ng sa gayon ay hindi rin sila madakip at mawalan ng trabaho.

Samantala, patuloy parin ngayon ang ginagawang inspection ng lokal na pamahalaan ng Malay sa mga lumalabag sa paggamit ng motorsiklo at tricycle.

No comments:

Post a Comment