Posted August 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa kabuuang 26,068 na mga Aklanon ang nagparehistro sa ibat-ibang
opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga bayan sa probinsya para
makaboto sa gagawing Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay elections.
Base sa listahan ng COMELEC-Aklan, ang mga nagparehistro na
may edad 15 hanggang 17 anyos ang may pinakamalaking numero na may 16,361, na sinundan
ng nasa edad 18 pataas na may 7,131, at ang mga aplikante para sa
“reactivation” na may 1,677.
Ang iba pang mga nagparehistro ay ang mga nag-apply sa pagpapalit
ng pangalan na may 161; pagtama ng mga “entries” na may 260; pagpabalik ng
pangalan sa listahan na 1; pag-reactivate, 457; at paglipat ng mga pangalan ng
mga OFWs na 20.
Inulit naman ng COMELEC sa pamamagitan ni Raymund
Chrispin Gerardo, Information Officer, na ang makakaboto sa SK elections ay ang
nasa 15 hanggang 30, pero ang nasa edad 18 hanggang 24 lamang ang puweding
makatakbo para sa mga posisyon ng Chairman at Kagawad.
Nabatid na nitong nakaraang eleksyon, ay may kabuuang 345,359
ang mga nagparehistro na botante sa Aklan.
No comments:
Post a Comment