Monday, August 08, 2016

Caticlan at Boracay, isang oras na mawawalan ng kuryente sa Miyerkules

Posted August 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for brown outIsang oras na makakaranas ng brownout ang Brgy. ng Caticlan sa bayan ng Malay at ang buong isla ng Boracay sa araw ng Miyerkules Agosto 10.

Base sa inilabas na anunsuyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) magsisismula ang power interruption ng alas-6 umaga hanggang alas 7 ng umaga.

Nabatid na ang dahilan ng nasabing power interruption ay dahil sa 69Kv Nabas-AVON-Caticlan-Boracay line para bigyan daan ang hiling ng GBPC-AVON Rivers.

Sa kabilang banda, patuloy paring nararanasan sa isla ng Boracay ang palagiang brown-out sa Boracay sa kabila ng kawalan ng abiso ng AKELCO. 

No comments:

Post a Comment