Saturday, May 21, 2016

Responsableng paggamit ng kuryente pinaalala sa mga Aklanon

Posted May 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay    

Image result for AKELCOPinaalalahan ngayon ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) ang mga Aklanon na maging responsable sa paggamit ng kuryente. 

Ayon sa Aklan Electric Cooperative, Inc. (AKELCO), ang nagbibigay umano ng “supply” ng kuryente sa Aklan katulad sa pagdagdag o pagbawas sa tinatawag na “generation charge” ay naka-depende sa kunsumo ng kuryente ng publiko.

Napag-alaman din na may kunting dagdag sa bill ng kuryente sa buwan ng Abril dahil sa dagdag na “generation charge” na ibabayad ng AKELCO sa mga generation companies na binibilhan ng kuryente.

Nabatid na ang mga nakasaksak na appliances na hindi naman ginagamit ang siyang dahilan ng paglaki ng bill na babayaran sa Akelco.

No comments:

Post a Comment