Posted May 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nananatili umanong ligtas sa red tide toxins ang buong
baybayin sa probinsya ng Aklan ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR).
Ito ay base sa Shellfish Bulletin No. 15 na inilabas ng BFAR-Aklan
na may petsang Mayo 10, 2016 series of 2016.
Nakasaad dito na ang mga baybayin ng Batan Bay at ang mga
katabi nitong lugar ng Altavas, Batan at New Washington, Mambuquiao at Camanci
sa Batan kasama na ang Sapian Bay sa Capiz, at buong baybayin sa bansa ay
ligtas na sa red tide, base sa pinakahuling resulta ng laboratory.
Dahil dito ligtas na ang lahat ng klase ng “shellfish” at
Acetes sp. o alamang na kinikuha, iniipon at binibinta mula sa lugar na ito ay puweding-puwedi
ng kainin base sa BFAR.
Sa kabila nito nananatili parin ang ginagawang
pag-monitor ng BFAR sa mga karagatan sa bansa para masiguro ang kaligtasan ng
publiko.
Nabatid na nitong mga nakaraang buwan ay naapektuhan ang
probinsya sa malawakang red tide kasama na ang mga baybayin sa Capiz.
No comments:
Post a Comment