Tuesday, May 17, 2016

Boracay nakahanda na sa panahon ng tag-ulan

Posted May 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay                      

Image result for drainage system sa BoracayKaliwat-kanan ngayon ang pagsasaayos ng mga drainage system sa isla ng Boracay.

Ito’y bilang paghahanda na rin sa panahon ng tag-ulan na posibleng maranasan sa mga susunod na buwan.  

Dahil dito ang Manoc-Manoc area sa station 3 Boracay ay malapit ng makumpleto ang ginagawang drainage system partikular sa mga lugar kung saan kadalasang binabaha tuwing malakas ang ulan.

Nabatid na ang proyektong ito ay pinamunuan ni Manoc-Manoc Brgy. Captain at Liga President Abram Saulog na ngayon ay isa ng Vice-mayor ng Malay matapos manalo sa kakatapos na halalan.

Napag-alaman na ang kadalasang pagbaha sa isla ay dahil sa kawalan ng drainage system sa ibang lugar na kinakainis naman ng mga motorista.

No comments:

Post a Comment