Wednesday, May 18, 2016

Korean national, ini-reklamo ng pananakal

Posted May 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportIsang turistang Korean national ang inireklamo ng pananakal ng isang waiter ng restaurant na nasa loob ng hotel sa Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang nag-rereklamong si Margin Villahermosa Jr. 37-anyos habang ang suspek ay kinilala naming si Hyeonu Jeong 33-anyos at temporaryong nakatira sa hotel sa nasabing lugar.

Sa report ng Boracay PNP, napansin umano ng biktima na may dalang nakakalasing na inumin ang kaibigan ng suspek na nakalagay sa mineral water kung saan mahigpit umanong ipinagbabawal ang pagdala ng inumin o pagkain sa kanilang restaurant.

Dahil dito, ipinaliwanag naman umano ng biktima sa kasama ng suspek ang kanilang polisiya kung kayat itinabi naman nito sa sulok ang dalang inumin.

Ngunit ng di-kalaunan ay ikinagalit umano ito ng suspek at saka tinawag ang biktima kung saan dito na niya ito agad na sinakal.

Samantala, napag-alaman na nagkaroon naman ng agreement ang dalawang kampo matapos ang nangyaring insidente sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment