Posted May 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito’y makaraang
isang turista ang nagsumbong sa kanilang himpilan matapos na mabiktima ng
kawatan habang naliligo sa dagat sa station 1 Boracay.
Sumbong ng
biktima na si Robby Ann Recla 38-anyos sa mga pulis, iniwan niya umano ang
kanyang bag sa buhangin saka naligo sa dagat kasama ang kaibigan.
Ngunit ng umahon
na umano ng mga ito ay hindi na nila makita ang nasabing bag kung saan
nakakalat na rin sa puting buhangin ang ilan sa mga laman nito.
Nabatid na
naglalaman ang naturang bag ng cellphone mga importanteng I.D at cash na
nag-kakahalaga ng mahigit sa P9, 000.
Sa ngayon patuloy
na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente.
Samantala, muling
pinaalalahan ng mga pulis ang mga turistang maliligo sa dagat na iwasan ang
pagdadala ng mamahaling gamit dahil sa mainit ito sa mata ng mga pagala-galang
kawatan sa isla.
No comments:
Post a Comment