Friday, May 20, 2016

Bakuna para sa mga mag-aaral inihahanda na ng MHO

Posted May 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay     

Image result for bakunaPasukan na naman kung kayat naghahanda na ang Municipal Health Office ng Malay para sa nakatakdang School base immunization program para sa mga mag-aaral.
               
Ayon kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, taon-taon umano nilang itong ginagawa para malabanan ang degdas na kalimitang dumadapo sa mga kabataan.

Tiniyak naman nito na lahat ng mga kabataan o mga estudyante sa Malay ay mabibigyan ng libreng bakuna para makaiwas sa sakit.

Nabatid na noong nakaraang taon ay daan-daang kabataan ang sumalilalim sa nasabing immunization na ginaganap tuwing buwan ng Agosto.

Samantala, ang programang ito ng MHO ay para makatulong din sa paglaban sa iba pang naglalabasang sakit ngayong panahon ng tag-ulan.


No comments:

Post a Comment