Thursday, May 19, 2016

Lalaking wanted sa dalawang kaso, arestado sa Iloilo City

Posted May 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for wanted
Kulong ngayon ang lalaking wanted sa dalawang kaso sa isla ng Boracay matapos itong mahuli sa Rizal Ibarra, Iloilo City.

Sa pinagsamang pwersa ng Boracay PNP, Tangalan PNP, Aklan PPO at Iloilo Police Station, nahuli ang suspek na si Rey June Supremo y Flores, 28-anyos at residente ng nasabing lugar.

Nabatid na may kaso itong Frustrated Homicide na may petsang February 18, 2015 at Criminal case No. 11302 kung saan nag-kakahalaga naman ng P24,000 ang inilaang piyansa para rito habang ang isa naman ay Violation of Omnibus Election Code to Comelec Resolution No. 9735 na may petsang May 29,2014 at Criminal case No. 11301 at may piyansa ring P50,000.

Ang naturang kaso ay inisyu ni Hon. Judge Nelson Bartolome, Presiding Judge RTC, Branch 8, Kalibo, Aklan na ngayon ang suspek ay nakatakdang dalhin ngayong araw sa korte sa Kalibo para sa kanyang karampatang disposisyon. 

No comments:

Post a Comment