Saturday, May 21, 2016

Lalaki kulong, matapos hampasin ng bote ng alak at saksakin ang kaibigan

Posted May 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ang isang lalaki matapos nitong hampasin ng bote ng alak at saksakin ang kaibigan nito sa kanilang compound sa Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Salvador Vargas 31-anyos habang ang suspek ay kinilala namang si Yankee Romano alyas “Boyong” 23-anyos at parehong residente ng nasabing lugar.

Sa blotter report ng mga pulis, nasa-ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek kung saan hinampas nito ng bote ng alak ang biktima sa kanyang ulo. 

Nabatid ng mabasag ang bote ay dito naman sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang kamay gamit ang bubog ng botelya.

Samantala, sinasabing dahil sa kalasingan ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang insidente na ngayon ay pansamantalang iki-nustodiya sa lock-up-cell ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment