Wednesday, May 18, 2016

Pagkakaisa para sa Brigada Eskwela panawagan ng DepEd Aklan

Posted May 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for brigada eskwela 2016Muling nananawagan ng pagkakaisa si Division of Aklan Dr. Jesse Gomez, CESO V Schools Division Superintendent para sa nalalapit na Brigada Eskwela ngayong Mayo 30 hanggang Hunyo 4, 2016.

Panawagan nito na magtulungan at sama-samang maglinis sa mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 6.

Ngayong taon umano ay may tema ang naturang Brigada Eskwela na “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula sa Kindergarten Hanggang Senior High School.”

Nais nito na maging handa at maayos ang mga paaralan sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa eskwelahan lalo na at magsisimula na ang implementasyon ng K to 12 Program.

Ang naturang aktibidad ay kilala rin bilang “National Schools Maintenance Week,” kung saan ang taunang “Brigada” ay tradisyon sa pampublikong paaralan bago magbukas ang klase kung saan ang mga education stakeholders ay nagsasama-sama para sumali at magbigay ng oras at effort sa pagsisiguro na ang lahat ng public school facilities ay handa na sa pagbubukas ng klase.

No comments:

Post a Comment