Posted May 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang
ipatawag ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa anomalyang nangyari
sa Kalibo International Airport.
Sa 16th SP
Session kahapon, binuksan ang pag-uusap nito ni SP member Rodson Mayor matapos
ang pumutok na balita sa pagpapatalsik sa 11 tauhan ng Civil Aviation Authority
of the Philippines (CAAP) sa nasabing paliparan na sangkot sa multi million
peso scam sa recycled na terminal fee tickets.
Nabatid na
inatasan ni CAAP director general William Hotchkiss III si retired general
Rodante Joya, head ng Security and Intelligence Service ng KIA na magsagawa ng
imbestigasyon kaugnay sa nangyaring anomalya.
Napag-alaman na
ilan sa mga natanggal sa trabaho ay ang mga job order personnel, terminal fee
collectors, terminal fee inspectors at isang flight data encoder.
Samantala,
nagsimula umano ang naturang scam nito lamang buwan ng Enero at Pebrero
hanggang sa ito ay nabuking.
Ang terminal fee
para sa domestic flight ay P200 habang ang international flight ay P750.
No comments:
Post a Comment