Wednesday, May 18, 2016

Arabian national, kulong matapos manggulo sa isang resort sa Boracay

Posted May 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Arestado ang isang turistang Arabian national matapos itong ireklamo ng panggugulo sa isang resort sa Station 3 Manoc-manoc, Boracay.

Nakilala ang nagre-reklamo na si Michael Stanly Romano 29-anyos, Auditor ng resort habang ang suspek ay si Alsubaie Saleem Mufarrij 31-anyos.

Sa report ng Boracay PNP, nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek ng pumunta sa nasabing resort kung saan agad itong nanggulo at nang-harass sa mga guest na nagresulta naman ng takot sa mga ito.

Nabatid na dating guest ang suspek sa resort kung saan sinasabing may balansi pa umano itong hindi nababayaran.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang naka-kulong sa Boracay PNP matapos ang nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment