Tuesday, May 17, 2016

SP Aklan, balik na sa regular session matapos ang eleksyon

Posted May 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Balik na sa Regular Session ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan, bukas araw ng Miyerkules matapos ang National at Local election nitong Mayo 9.

Ayon sa SP Office, kahapon umano ay nagkaroon sila ng Committee hearing na kabilang sa mga tatalakayin sa 16th regular session bukas.

Samantala, magkakaroon naman ng Oath taking ang mga bagong halal na Sangguniang Panlalawigan sa Hulyo 1, 2016.

Nabatid na kabilang sa bagong set ng SP sa Eastern side ay sina Ampod Neron at Atty. Emmanuel Nolly Sudosta habang sa Western side naman ay si Engr. Miguel Miraflores at  Jay Tejada.

Samantala, pangungunahan ng asawa ng former Vice Governor na si Gabrielle Calizo-Quimpo na si Atty. Boy Quimpo ang SP Session sa oras na makaupo na ito sa pwesto.

No comments:

Post a Comment