Monday, May 16, 2016

Bagong set na opisyal ng LGU Malay uupo na sa pwesto ngayong Hulyo

Posted May 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sb session MalayPormal ng manunungkulan ang mga bagong set na opisyal ng gobyerno sa bayan ng Malay sa ngayong Hulyo 1, 2016.

Ito ang sinabi ni SB Secretary Concordia Alcantara, kung saan sa Hunyo 30 na umano bababa sa pwesto ang mga magtatapos sa kanilang termino at ang mga hindi pinalad sa nakaraang halalan.

Kaugnay nito magtutuloy-tuloy parin umano ang mga session ng mga kasalukuyang opisyal hanggang sa Huyo 23 para tapusin ang mga nakabinbing usapin.

Ayon pa kay Alcantara magkakaroon pa umano ng oath taking ceremony ang mga bagong set ng opisyal kasabay ng isasagawang pag turn ng symbolic key.

Ang SB Session ng Malay ay itinatakda tuwing araw ng Martes na kinabibilangan ng walong SB members, isang Liga President at ang Vice-mayor na siyang presiding officer.

No comments:

Post a Comment