Posted May 23, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Umaabot na ngayon sa 574,823 ang kabuuang populasyon ng
probinsya ng Aklan na kinabibilangan ng 17 bayan.
Ito ay base sa inilabas na datos ng Philippine Statistics
Authority (PSA) nitong Mayo 19, 2016 base sa kanilang ginawang Census of
Population nitong Agosto 1, 2015 kung saan nakakuha ang probinsya ng 12. 83
percent ng total population sa Western Visayas.
Dito lumalabas na ang bayan ng Kalibo na siyang capital
town ng Aklan ang may pinakamataas na naitalang populasyon na umabot sa 80,605.
Maliban dito sumunod naman ang apat na malalaking bayan
na kinabibilangan ng Malay na may 52,973; Ibajay 49,564; New Washington 45,007
at Banga na may 39,505.
Samantala, nakakuha naman ng kabuuang population ang
Western Visayas na may 4,477,247, kung saan ang Iloilo ang siyang may
pinakamataas na population na may 1,936,423; sumunod ang Capiz na may
761,384; Antique na 582,012; Aklan na
may 574,823; Iloilo City 447,992 at Guimaras na may 174,613.
No comments:
Post a Comment