Friday, May 20, 2016

Dalawang lalaki, sugatan matapos pag-tripang bugbugin

Posted May 20, 2016

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police reportPasa sa ibat-ibang parti ng katawan ang tinamo ng dalawang lalaki matapos umano silang mapag-tripang bugbugin kaninang alas-3 ng madaling araw sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, naglalakad ang biktima na si Harold Proton kasama ang kaibigan kaibigan nito ng bigla silang tambangan ng hindi nakilalang mga lalaki.

Dito ay pinagsusuntok umano ang dalawa kung saan napuruhan naman si Proton dahilan para magkaroon ng mga pasa ang kanyang katawan.

Napag-alaman na napag-tripan lang umano ang dalawa kung saan mabilis namang tumakas ang mga hindi nakilalang suspek matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment