Friday, May 20, 2016

Publiko pinasalamat ng APPO sa maayos at tahimik na eleksyon

Posted May 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for appo aklanIsa ang probinsya ng Aklan sa nakapagtala ng tahimik at maayos na halalalan sa buong bansa nitong Mayo 9, 2016.

Dahil dito pinasalamatan ni Aklan police director senior superintendent John Mitchell Jamili ang komunidad sa probinsya, dahil sa suporta ng mga ito upang makamit ang kaayusan sa nakaraang 2016 National at Local elections sa probinsya.

Sinabi nito na hindi umano tumigil sa pagbibigay ng suporta ang mga Aklanon sa lahat ng aktibidad, plano at programa ng APPO para makamit ang peace and order situation simula noong election period.

Kaugnay nito inihalimbawa ni Jamili ang patuloy na positibong anti-criminality operation ng mga kapulisan dahil sa mga report na kanilang natatanggap mula sa publiko.

Samantala, ikinataba umano ng puso ni Jamili ang ginagawang pag-alalay sa kanya ng mga taga-Aklan simula ng ito ay maupo sa kanyang pwesto mula sa Ilo-ilo nitong taon.

No comments:

Post a Comment