Wednesday, May 18, 2016

Lalaking hindi pinagbigyang makipag-sex, nagbigti-patay

Posted May 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for natagpuang patay]\Patay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang lalaki matapos na hindi umano pinagbigyang makipag-sex ng kanyang live-in partner sa Brgy. Nagustan, Nabas, Aklan kagabi.

Nakilala ang biktimang si Joseph Baladjay 36-anyos at isang bouncer.

Ayon sa live-in partner nito na si alyas Precious, bago umano mangyari ang insidente ay nag-iinuman pa silang dalawa kung saan bigla nalang umano itong nagalit.

Dagdag pa nito, niyaya umano siya ng biktima na makipagtalik ngunit tinanggihan niya umano ito dahil sa nararamdamang pagod sa katawan.

Sinabi pa ni Precious na nakita umano nito na naglagay ng lubid ang kanyang live-in partner sa kanilang kwarto pero hindi naman niya ito pinansin kung saan sa pagbalik nito ay naka-lock na umano ang pintuan at hindi na mabuksan.

Dahil dito, sinundo ni Precious ang kapatid ng biktima para buksan ang kwarto kung saan dito na tumambad sa kanila ang nakabitay na biktima.

Mabilis namang naisugod ang biktima sa Ibajay District Hospital ngunit hindi kalaunan ay dinala din ito sa isang hospital sa bayan ng Kalibo subalit idinikara itong dead on arrival.

No comments:

Post a Comment