Posted May 18, 2016
Ni Inna CaroL l. Zambrona, YES FM Boracay
Patuloy pa ang
ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o (BFP) Boracay sa nangyaring sunog kanina
sa bundok malapit sa Mt. Luho Balabag, Boracay.
Ayon kay
Bureau of Fire Protection Boracay Investigator F03 Franklin Arubang, alas 10:50 kaninang umaga ng makatanggap
sila ng tawag mula sa isang concern citizen sa kanilang himpilan na may
nasusunog umano sa nasabing lugar kung saan agad naman nila itong pinuntahan.
Sa pagdating naman
umano nila sa lugar ay dito nila nadatnan ang malapad na usok, ngunit bigo
nilang maabot ang nasabing area dahil sa mataas na bahagi ng lugar.
Dahil dito,
inutusan ng may-ari ng lupa ang kanyang mga trabahador na umigib nalang ng tubig
gamit ang baldi para unti-unting masugpo ang apoy.
Nabatid na wala
namang bahay o tao ang nadamay sa sunog kung saan tanging mga halaman lang ang
apektado nito.
No comments:
Post a Comment