Wednesday, May 18, 2016

Wanted sa pagbebenta ng illegal na droga, kalaboso

Posted May 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for wantedKalaboso ang isang lalaking wanted sa kasong pagbebenta ng illegal na droga sa Brgy. Balusbos, Malay, Aklan kagabi.

Nahuli ang suspek na si John Ryan Malbas alyas “jaja”, 34-anyos residente ng Brgy. Mabilo, Kalibo, Aklan sa pinagsamang pwersa ng APPO tracker team, Malay PNP, RTSOG6 sa kasong paglabag sa Sec. 5 Article II of Republic Act 9165.

Inaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jemena Abellar Arbis, acting presiding judge, 6th judicial region, branch 1, Kalibo, Aklan na may criminal case no. 12630 at may petsang March 30, 2016

Samantala wala namang inilaang piyansa ang korte sa pansamantalang kalayaan ng suspek kung saan nakakulong na ito ngayon sa Kalibo PNP.

No comments:

Post a Comment