Tuesday, May 17, 2016

Kalibo-Numancia bridge II, sinigurong magagamit na ngayong taon

Posted May 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalibo numancia bridge
Hindi paman natatapos ang Kalibo-Numancia bridge ngunit tiniyak ngayon ni District Engineer Noel Fuentebella ng DPWH-Aklan na magagamit na ito ngayong taon.


Ito’y sa sandaling matapos na nila ang pakikipag-negosasyon sa mga land-owners sa nasabing area na apektado ng construction ng tulay.

Nabatid na ito ang siyang dahilan kung bakit hindi parin natatapos ang nasabing construction dahil sa mga private property na kalapit nito.

Ayon pa kay Fuentebella magtutuloy-tuloy na umano ang pagpapagawa nito kung maialis na ang ilang establisyemto na matatamaan nito.

Ang pagpapatayo ng bagong tulay ay para maibsan ang trapiko at ang pagkakaroon ng maayos na biyahe ng mga motorista lalo na ang mga turistang pumupunta sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment