Monday, May 16, 2016

DepEd Malay, nagkukumahog na sa pagsisimula ng K to 12 Program

Posted May 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for k to 12Nagkukumahog na ang Department of Education (DepEd) Malay ang pagsisimula ng K to 12 program ngayong pagbubukas ng pasukan sa Hunyo 13, 2016.

Ayon kay Malay Public Schools District Supervisor Jessie Flores, puspusan na ngayon ang kanilang mga paghahanda para sa nasabing programa kung saan hinihikayat din nila ang mga magulang ng mga mag-aaral na magpalista na para sa pagbubukas ng klase.

Nabatid na kailangan ng isumite ngayong linggo ng mga paaralan sa Division Office ang mga listahan ng mga mag-aaral na nakapag-enroll sa ibat-ibang ino-offer na training sa mga estudyante.

Napag-alaman na karamihan sa mga training na nakuha ng mga paaralan sa Malay ay may kaugnayan sa turismo at housekeeping dahil sa isla ng Boracay.

Ang k to 12 Sr High ay paghahanda sa kinabikasan ng bawat estudyante na magkaroon ng trabaho, negosyo o ipagpatuloy ang kolehiyo.

No comments:

Post a Comment