Thursday, May 19, 2016

2016 Grand Flores De Mayo, nagsagawa ng briefing para sa Sabado

Posted May 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dalawang araw bago ang Flores de Mayo ay nagsagawa ng briefing sa Boracay Holy Rosary Church kaninang hapon ang organizer nito na Boracay Foundation Incorporated o (BFI) bilang paghahanda sa mga sasali dito.

Sa isinagawang briefing kanina ipinaliwanag ng mga organizer na sina Rufina Villaroman at ng dalawang taga BFI na sina Raffy Cooper at Pia Miraflores kung ano ang mga gagawin ng mga kalahok  kung saan di-niscuss sa kanila kung ano ang kahalagahan at importansya ng Flores de Mayo kung saan taunang ginaganap sa buwan ng Mayo.

Ang taunang aktibidad ay mag-uumpisa sa pamamagitan ng isang misa sa Holy Rosary Church sa Balabag sa ganap na alas 3 ng hapon, at mag-uumpisa ang kanilang parada sa front beach mula sa Willies Rock papuntang Hennan Regency Resort kung saan dito gagawin ang mga programa at awarding.

Nabatid na ang mga lalahok dito ay magmumula sa ibat-ibang business establishments na mga myembro rin ng BFI.

Maliban dito, ang mga magre-represent dito ay ang Air Care bilang Reyna delas Flores (Queen of  Flowers), Alta Vista- Reyna Imperatriz (Queen Empress), Hennan- Reyna Esperanza (Queen of Hope), Jonys- Reyna Fe ( Queens of Faith), YES FM- Reyna delas Angeles (Queen of Angels) kung saan sila lang ang mga maglalaban sa Reyna Elena o festival queen.

Kasali din dito ang BFI na ang kanilang ire-represent ay Reyna Estrellas ( Queen of the Stars) at ang nanalong Reyna Elena (Queen Helena) ng LGU Malay.

Ang Flores De Mayo ay nasa ika-apat na taon ng ginagawa  sa Boracay kung saan ang layunin nito ay maipakita ang kulturang pinoy lalo na sa mga turistang nagbabakasyon sa isla.

No comments:

Post a Comment